Napili si pop star Billie Eilish na gumawa ng kanta para bagong James Bond film na “No Time To Die”.

Itinuturing na ang US singer bilang pinakabatang artist sa kasaysayan na gumawa ng kanta ng James Bond Franchise.

Nitong Disyembre lang kasi nagdiwang ng ika-18 taon ng singer.

Hindi naman ito makapaniwala na napili siyang magrecord ng kanta dahil itinuturing niyang isang pinakamagaling na pelikula ang James Bond.

Noong nakaraang dalawang James Bond franchise kasi ay napili sinas Adele at Sam Smith na gumawa ng kanta kung saan kapwa sila nanalo sa Oscars award.

Paliwanag naman ng director ng pelikula na si Cary Joji Fukunaga, na mangilan-ngilan lamang ang napipiling gumawa ng kanta ng James Bond at bilang isa siyang fan ni Billie kaya pinili niya ito.