-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa kaniyang foreign minister nitong na sibakin sa pwesto ang mga ambassadors mula sa 10 bansa kabilang ang Germany at United States, na umapela para palayain ang nakakulong na civil society leader.

Naglabas da2 kasi ng “highly unusual joint statement” noong Lunes ang mga nasabing envoy hinggil sa patuloy na pagkakakulong kay Parisian-born philanthropist and activist na si Osman Kavala na tinawag nilang “cast a shadow” sa Turkey.

“I have ordered our foreign minister to declare these 10 ambassadors as persona non grata as soon as possible,” pahayag ni Pres. Erdogan. “They must leave here the day they no longer know Turkey.”

Ayon naman sa ilang European countries, wala pa silang natatanggap na official notification mula saTurkey.

“We are currently in intensive consultation with the nine other countries concerned,” pahayag ng German Foreign Ministry.

“Our ambassador has not done anything that would justify the expulsion,” ayon kay Norwegian foreign ministry spokeswoman Trude Maseide.

Sa kabilang dako, batid naman ng United States ang nasabing ulat, subalit humihingi pa sila ng paglilinaw mula sa Turkish Ministry of Foreign Affairs.

Magugunita na si Kavala, 64, ay nakakulong na walang conviction simula noong 2017 sa kasong nag-uugnay sa kaniya sa 2013 anti-government protests at ang failed military coup noong 2016.

Nananawagan ang mga Western ambassadors para sa agarang “just and speedy resolution” sa naturang kaso.