Humingi ng tulong si Bureau of Corrections acting director-general Gregorio Catapang Jr sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa kanilang ginawang imbestigasyon sa “tunnel” sa loob ng New Bilibid Prison.
Ayon kay Catapang hindi sila eksperto kaugnay sa illegal quarrying kung kaya’t humingi sila ng tulong sa nasabing kagawaran.
Hindi masabi ng opisyal sa ngayon kung ginamit ang “tunnel” para makatakas o makapuslit ng mga kontrabando ang mga preso.
Ang butas ay nasa “200 metro ang lapad at 30 metro ang lalim”.
Dagdag pa niya na ang “tunnel” ay matatagpuan malapit sa Director’s Quarters, na siyang opisyal na tirahan ng prisons bureau chief.
Ang DENR din aniya, ay hindi nagbigay ng permit para sa excavation project.
Nadiskubre ang tunnel ilang araw matapos isuko ng mga Bilibid inmates ang humigit-kumulang 12,000 kontrabando, kabilang ang mga ilegal na droga, cellphone, armas, at alak.