-- Advertisements --

Aminado ang Department of Justice na walang garantiya na mapipigalan si former Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co makaalis mula sa bansang Czech Republic.

Kasunod nang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagkakahuli sa naturang dating mambabatas, inamin ni Justice Secretary Fredderick Vida na mayroon posibilidad na ito’y nakalabas na ng bansa.

‘Posible’ aniya itong mangyari nang matanong hinggil sa kung may tsansang nakaalis na ng Czech Republic sapagkat hindi siguradong pananatilihin ng bansa ang hurisdiksyon kay former Rep. Zaldy Co.

Kanya ring ibinahagi na wala pang malinaw na impormasyon ang Department of Justice sa tiyak na lokasyon o kinaroroonan ng dating mambabatas.

Ayon sa kalihim, ayaw nitong mag-ispekula sapagkat wala pang ‘beripikadong’ ulat o impormasyon natatanggap o hawak ang kagawaran.

Dahil rito’y inihayag ni Justice Secretary Fredderick Vida na kanilang pinag-aaralan ang mga legal na hakbang para maseguro lamang ang lokasyon ng pugante.

Makakatulong aniya sakaling nakalabas na pala ng bansa si Zaldy Co ay ang ‘red notice’ mula sa International Criminal Police Organization o INTERPOL.

Alinsunod rito’y wala pang inilalabas o hindi pa nag-iisyu ang naturang international organization na ‘red notice’ laban sa puganteng si Zaldy Co.

Si Justice Sec. Vida, ay kasalukuyan ng nasa Czech Republic nang dumating kahapon, ika-24 ng Abril.

Sa panayam, utos aniya sa kanya ng Pangulo na iberipika ang mga naunang impormasyon, alamin kung kailan at paano maiuuwi si Zaldy Co at paigtingin ang koordinasyon at sistemang ipinatutupad sa bansa.

Habang ayon sa kalihim, sa ngayo’y ang nakikitang pinakamabilis na pamamaraan para kadyat maiuwi ng Pilipinas ang dating mambabatas ay sa pamamagitan ng ‘deportation’.

Hinimok naman ng kalihim ang publiko na suriin munang maigi ang nakikitang impormasyon bago agad paniwalaan ang mga ito.

Kanyang binigyang diin na may katotohanan na batay sa mga impromasyon o notisyang natanggap, nasa hurisdiksyon ng Czech Republic si former Cong. Zaldy Co.