-- Advertisements --

Tiniyak ni Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” Robredo na hindi na siya tatakbo sa 2028 national elections at mas pinili niya raw na ipagpatuloy ang serbisyo bilang alkalde ng Naga City para sa posibleng ikalawang termino.

Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na wala sa kanyang plano ang bumalik sa mataas na posisyon at mas nais niyang tutukan ang mga natitirang proyekto sa lungsod.

Dagdag pa niya, may mga taong nagtutulak sa kanya na muling tumakbo sa national level, ngunit naniniwala siya na marami pang ibang kayang mamuno sa bansa.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagbubuo ng nagkakaisang oposisyon para sa 2028 elections, kung saan kabilang sa oposisyon sina Senador Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima, Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, former senator Franklin Drilon, at former Budget secretary Butch Abad.

Samantala, muling umingay ang usapin sa pulitika matapos ding mabanggit ang ilang posibleng tatakbo para sa 2028 elections, ngunit nanawagan ang Malacañang na ituon muna ang pansin sa trabaho at huwag magpaapekto sa mga haka-haka.