Inutusan ni U.S. President Donald Trump, ang United States Navy na magpaputok sa mga makikitang Iranian boats na naglalagay umano ng mines sa Strait of Hormuz.
Sa isang post sa social media, sinabi ni Trump na “I have ordered the United States Navy to shoot and kill any boat, small boats though they may be (Their naval ships are ALL, 159 of them, at the bottom of the sea!), that is putting mines in the waters of the Strait of Hormuz. There is to be no hesitation.”
Ayon kay Trump, ang Estados Unidos ay patuloy na nagtatrabaho upang alisin ang mga mina sa strait at ibinida na ang mga “mine sweepers” ng Amerika ay nagsasagawa ng operasyon sa kasalukuyan, ngunit iniutos niyang taasan ang operasyon nito ng tatlong beses.
Bilang tugon sa patuloy na tensyon sa rehiyon, na may kaugnayan sa mga isyu ng global economic pressures, inulit ni Trump at ni Defense Secretary Pete Hegseth ang kanilang mga pahayag na nawasak na ang mga pangunahing pwersa ng Iran, na tinatayang mayroong 150 barko.
Gayunpaman, iniulat na ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ay may natitirang mga assets tulad ng maliliit na bangka na patuloy na ginagamit sa mga operasyon.
















