-- Advertisements --

Dinipensahan ni dating Department of Agriculture Sec. Emmanuel “Manny” Piñol ang negosyanteng si Sammy Uy, na itinuturing niya bilang matalik na kaibigan, matapos i-tag ni dating Senador Antonio Trillanes IV bilang “bigtime drug lord” sa isinagawang impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Abril 22.

Sa isang statement, sinabi ng dating government official na nagulat siya nang makaladkad ang pangalan ng kaniyang tinawag na “old friend,” na hindi makatarungang sinisiraan sa harap ng publiko dahil sa kaniyang ugnayan o “friendship” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Piñol na ang pag-akusa kay Sammy Uy na sangkot sa iligal na droga para lamang siraan ang pamilya Duterte ay isang “political black propaganda” na malayo sa katotohanan.

Magpapatotoo aniya rito ang “Davao City old-timers,” na bagamat parang kapatid na ang turing ng dating Pangulo kay Sammy Uy, hindi niya inabuso ang kanilang pagkakaibigan nang maging Pangulo si Duterte.

Maaaring nakinabang umano si Uy pagdating sa negosyo dahil sa kaniyang pagiging malapit sa Pangulo, subalit hindi umano kapani-paniwala ang kaniyang umano’y pagkakasangkot sa droga.

Saad pa ni Piñol, bilang isang dating pulitiko, nauunawaan niya ang laro sa pulitika subalit iginiit niyang ang pagsira sa reputastyon ng mga inosenteng indibidwal para isulong ang kanilang agenda ay kasuklam-suklam at kasamaan.

“Politics is a dirty game pero sobra na ito. Nasaan ang konsensya ninyo?,” tanong ng dating DA Chief.

Samantala, hindi naman nagkomento si Piñol kaugnay sa umano’y financial transactions sa pagitan nina Sammy Uy at mga Duterte dahil wala siyang kaalaman kung tunay itong nangyari.

Sa halip, nagtuon siya sa pagtatanggol kay Uy, na isang matagal na niyang kaibigan, dahil noong siya ay nais na matanggal ng mga grupo ng Malacañang insiders bilang kalihim ng DA, sa pamamagitan ng paninira sa kaniya sa pangulo na sangkot siya sa korapsiyon, dinipensahan siya ni Uy at kalaunan ay nalinis ang kaniyang pangalan.

“Now, it is my turn to come to his defense because I know the man.”

“Yes, Sammy is an old friend of Rody Duterte long before the latter joined politics. Just like Duterte, he does not smoke or drink.He belongs to an old Filipino-Chinese family which owns one of the oldest Appliance Stores in Davao City, DIMDI, and the pioneering Davao Farms involved in poultry and hogs.

Sammy was the low-key friend who stood beside Rody Duterte and was instrumental in arranging the visit of the late Japanese Prime Minister Shinzo Abe to PRRD’s home in Dona Luisa Subdivision when he was President.

One of Sammy’s Japanese friends happened to be a member of the close-in staff of Prime Minister Abe,” saad ni Manny Piñol, sa isang statement ngayong Huwebes, Abril 23.