DONAIRE TETE

Wala umanong nagbago sa mga paghahanda ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire Jr. sa kabila ng pag-atras ng kalaban sa pag-depensa nito sa kanyang WBA super bantamweigh belt.

Magugunitang umatras ang unang kalaban ni Donaire na si Zolani Tete ng South Africa dahil hindi pa magaling ang injury nito mula sa kanyang huling laban.

-- Advertisement --

Sa isang ulat sinabi ng asawa ng Pinoy boxer at manager nito na si Rachel, nirerespeto ng boksingero ang desisyon ng kampo ni Tete dahil kailangan din nitong magpagaling sa kanyang injury.

Sa kabila nito, tuloy ang laban ni Donaire sa semifinals ng World Boxing Super Series.

Nakatakdang itong humarap sa Amerikanong si Stephon Young.

Sino mang mananalo sa naturang laban ang haharap sa top two boxers ng kompetisyon na sina Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico at Naoya Inoue ng Japan.