Hihingi ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa mga local governments units (LGUs) kaugnay sa pamamahagi ng mga learning modules sa mga estudyanteng nasa high risk areas at hindi makapunta sa mga paaralan o walang access sa internet.
Ayon kay DepEd Usec. Antonio Tuazon Jr. makikipagtulungan sila sa mga opisyal ng mga LGUs na may kakayanang magpahiram ng mga kawani at volunteers para sa distribusyon ng mga learing modules.
Posible rin aniyang hingin din ang tulong ng mga guro na bukas sa pagtulong para sila na ang mamahagi ng learning resources sa kanilang mga estudyante.
Sa ngayon, sinabi ni Tuazon na inihahanda na ng kagawaran ang mga learning modules na inaasahang magiging ready na bago matapos ang buwan ng Mayo.
Una nang sinabi ng DepEd na aprubado na ng Inter-Agency Task Force ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Agosto 24.