Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-days suspensiyon ang lisensya ng bus driver matapos mahulog sa bangin ang bus nito sa Gumaca, Quezon.
Nangyari ang insidente nitong Nobyembre 6 kung saan isang menor de edad ang nasawi sa insidente.
Base umano sa imbestigasyon ng mga otoridad na nakaranas ng mechanical error ang driver kaya nahulog ito sa malalim na bahagi ng banginsa Diversion Road ng Barangay Villa Arcaya pasado alas-nuebe ng gabi.
Pinatawan din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 day preventive suspensions ang limang bus units na hawakng operators.
Ipinatawag sa darating na Nobyembre 14 ang bus operator para magpaliwanag.
Tiniyak naman ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na kaniyang papanagutin at papatawan ng parusa ang mga nasasangkot sa insidente.
















