Sa pagpasok ng taong 2024 ay sinalubong ng malakas na lindol ang malaking bahagi ng Japan.
Ito ay matapos na yanigin ng magnitude 7.6 na lindol ang north central Japan sa unang araw ng taong 2024 na nagdulot naman ng pagkakabitak-bitak ng mga kalsada ilang bahagi ng naturang bansa.
Kaugnay nito ay naglabas ang Japan Meteorological Agency ng tsunami warning sa western coastal regions ng Ishikawa, Niigata, at Toyama prefectures ng nasabing bansa.
Sa gitna ito ng mga banta ng tsunami na inaasahang may taas na 5 metro na posibleng tumama sa Noto, Ishikawa Prefecture.
Sa ngayon kasi nakapagtala rin ang mga kinuukulan ng paghampas ng malakas na alon sa coast of Wajimi City sa Ishikawa Prefecture na may taas namang isang metro.
Samantala, kasalukuyan na ring nagsasagawa ng pag-iinspeksyon ang Hokuriku Electric Power sa mga nuclear power plants nito upang alamin kung nagdulot na ng anumang uri ng iregularidad ang magnitude 7.6 na lindol na tumama sa malaking bahagi ng Japan.