-- Advertisements --
BORDER WALL

Doble kayod ngayon si US President Donald Trump para maipatayo ang borderwall.

Naghain na ng Trump administration ng 29 eminent domain para sa pagtatayo ng nasabing border-wall.

Ayon sa federal courts, na apat na kaso ang inihain ngayon sa Texas para sa emminent domain.

Ang emminent domain ay karapatan ng gobyerno na kunin ang pribadong lupain para gamitin ng gobyerno kapalit nito ay babayaran sila ng gobyerno.

Noong nakaraang buwan ay sinimulan na ng gobyerno ang pagtatayo ng border wall sa Rio Grande Valley.

Umaasa naman ang US Customs and Border Protection na may mga panibagong border wall ang itatayo sa mga susunod na buwan.

Aabot na sa 1,950 milya ang naipatayo na sa US-Mexico border kung saan 1,300 milya nito ay wala pang pader na naipatayo.

Magugunitang ang pagtatayo ng border wall ay siyang pangunahing proyekto ni US President Donald Trump noong ito ay maupo sa puwesto.