-- Advertisements --
Nagbanta si US President Donald Trump na ititigil na nila ang pag-aayos ng ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Mangyayari lamang ito kapag patuloy ang pagmamatigas ng Russia at Ukraine.
Giit nito na ayaw niyang makakita ng muling labanan kung kayat nais lamang niya na mabilis na matapos ang ceasefire deal.
Magugunitang naglunsad ng matinding atake ang Russia sa Ukraine noong 2022 kung saan maraming mga bansa na ang namagitan para tuluyang matigil na ang nasabing kaguluhan.
Makailang beses na rin nagkaroon ng pagpupulong ang bawat panig para sa talakayin ang peace deal subalit nagkakaroon ng ilang mga problema.