-- Advertisements --

Nagdesisyon si US President Donald Trump na maglagay ng maraming mga federal agents sa ilang lungsod bilang bahagi ng anti-crime initiatives at para mahinto ang mga nagaganap na kilos protesta.

Sa kaniyang talumpati sa White House, sinabi nit ong wala na itong choice kung hindi magpakalat na ng ilang daang federal agents sa Chicago.

Papalawigin din niya ang mga ito sa Kansas City at sa Albuquerque, New Mexico.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa Portland, Oregon na ang mga federal officers kung saan kinontra ito ng alkalde sa lugar na sinasabing sila pa ang nagpapalala ng sitwasyon sa lugar.

Kinumpirma naman ito US Attorney General William Bar na mayroon na silang ipinakalat na 200 federal agents sa Kansas City at inaasahang ganoon din ang bilang ng ilalagay sa Chicago at 35 iba pa sa Albuquerque.

Ang nasabing hakbang ay para mapigilan ang mga nagaganap na kilos protesta sa lugar.