-- Advertisements --

fauci

Fauci Birx Trump task force covid

Binawi ni US President Donald Trump ang unang pahayag nito na kaniyang bubuwagin na ang kaniyang task force coronavirus na siyang nangangasiwa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa US President, magkakaroon lamang ng pagbabago at posibleng dagdagan pa nito ang mga miyembro ng task force.

Mananatili aniya sina top infectious disease Dr. Anthony Fauci at coronavirus task force coordinator Deborah Birx.

Desidido rin si Trump na buksan daw ang maraming estado sa kanilang bansa para hindi na lalo pang lumala ang pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

Sinabi pa nito na dapat ibalik sa mga tao ang kanilang kalayaan kaya dapat na magbukas ang maraming estado.