-- Advertisements --

Kinumpirma ni US President Donald Trump na walang nasugatan o namatay na Americans o Qataris sa pag-atake ng Iran sa kanilang US base sa Qatar nitong Lunes, June 23.

Sa isang statement na ibinahagi ng White House, pinasalamatan ni Trump ang Emir ng Qatar na si Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani sa kaniyang nagawa para sa pagsusulong ng kapayapaan sa Gitnang Silangang Rehiyon.

Ginawa ni Trump ang pahayag matapos na maglunsad ng missile attack ang Iran sa American air base sa Qatar bilang ganti sa pagpapasabog ng US bombers sa tatlong nuclear facilities ng Iran sa Fordow, Natanz at Isfahan.

Pinagkibit-balikat lang naman ni Trump ang pag-atake ng Iran na kaniyang tinawag na isang “weak response” sa kanilang pag-atake.