-- Advertisements --
Hindi sang-ayon si US President Donald Trump sa mas mahigpit na panuntunan para sa pag-authorize ng coronavirus vaccine sa US.
Tinawag pa niya ang hakbang n US Food and Drugs (UFDA) na isang pamumulitika ang nasabing hakbang na ito ng ahensiya.
Dapat aniya na bago aprubahan ng US FDA ang mga bakuna sa COVID-19 ay ang goyberno muna ang mag-apruba.
Pinag-aaralan na rin aniya ng White House ang nasabing bagong panuntunan.
Magugunitang ipinagmalaki ni Trump bago ang November election ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.