Iniutos umano ni U.S. President Donald Trump sa special forces commanders na gumawa ng plano para sa posibleng paglusob sa Greenland, ayon sa ulat ng isang British newspaper (Daily Mail).
Layunin umano nitong maagang maagapan ang Russia o China mula sa pagkuha ng naturang teritoryo.
Batay sa report, inatasan umano ni Trump ang Joint Special Operations Command (JSOC) na magbalangkas ng plano para sa invasion, ngunit tinutulan ito ng Joint Chiefs of Staff dahil sa legal at congressional issues.
Mariing kinontra rin ng local leaders sa Greenland ang plano. Iginiit nilang hindi nila nais na maging Amerikano o Dane, at gusto lamang nila ay maging Greenlanders.
Tinuligsa rin ng Europa ang pahayag ni Trump, na maaaring magdulot ng tensiyon sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at pandaigdigang seguridad.
Nauna ng sinabi ni Trump sa White House na gagawa sila ng hakbang sa Greenland, gusto man nila o hindi at iginiit niyang kung hindi sa diplomatikong paraan, gagawin ito sa mas mahigpit na paraan.
Giit ng US President na kung hindi ito gagawin ng Amerika at posibleng sakupin ng Russia o China ang Greenland.














