Iminungkahi ni U.S. President Donald Trump na parehong kailangang magbigay ng bahagi ng teritoryo ang Ukraine at Russia upang matapos ang higit 3-taong digmaan.
Inaasahang makikipagpulong si Trump kay Russian President Vladimir Putin sa Alaska sa Biyernes, Agosto 15.
Nag-aalala naman ang mga lider ng Europa at si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na maaaring ipilit ng Amerika ang isang kasunduang makakapinsala sa Ukraine.
Iginiit ni EU foreign policy chief Kaja Kallas na hindi dapat magbigay ng anumang konsesyon sa Russia hangga’t wala pa itong planong itigil ang opensiba.
Sinabi rin ni Zelenskyy na hindi titigil ang Russia sa digmaan kahit may konsesyon, at dapat ipagpatuloy ang mga parusa at presssure sa Kremlin.
Bagaman nagbigay ng dagdag na armas ang Amerika sa Ukraine at nagbantang magpataw ng taripa sa langis ng Russia, hindi malinaw kung ano ang aktuwal na panukala ni Trump ukol sa palitan ng teritoryo.
Samantala magkakaroon ng pulong ang mga lider ng Europa ngayong linggo upang bumuo ng iisang pulisiya bago ang pag-uusap nina Trump at Putin.