-- Advertisements --

Ibinahagi ni US President Donald Trump ang video ng kanilang isinagawang strike sa isang tulay sa Karaj, Iran.

Makikita na ang ginagawang tulay ay labis na nagtamo ng matinding pinsala matapos ang airstrike kung saan dalawang katao ang sinasabing nasawi.

Nagalit naman dito ang Iran kung saan sinabi nila na kanilang gagantihan ang Israel at US.

Una ng sinabi ni Trump na lalo pa nilang papaigtingin ang pag-atake sa Iran dahil sa pagmamatigas nito sa isinusulong nila na peace plan.