Nilinaw ni President Donald Trump na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya handa na mag-concede bilang pangulo ng Estados Unidos.
Ito ay kahit pa sa kauna-unahang pagkakataon ay mismong sa bibig na ni Trump nanggaling na handa siyang lisanin ang White House kung mapupunta kay Presumptive President Joe Biden ang Electoral College votes.
“It’s going to be a very hard thing to concede because we know there was massive fraud,” saad ni Trump.
“As to whether or not we can get this apparatus moving quickly — because time isn’t on our side, everything else is on our side, facts are on our side, this was a massive fraud.”
Subalit hindi pa rin ito nagpaawat sa patutsada kay Biden. Aniya, kahit daw kasi makuha ni Biden ang Electoral College sa Disyembre 14 ay naniniwala pa rin ito na may malawakang daayan na naganap noong halalan.
Matapos kasi ang US presidential elections noong Nobyembre 3 ay naging kapansin-pansin ang tila pag-iwas ng Republican president na makipag-usap sa miyembro ng media.
















