-- Advertisements --
Tinawag na “Kangaroo Court” ni dating US President Donald Trump ang kasong isinampa laban sa kaniya.
Ito ang inilabas niya ilang oras bago ang pagdalo nito sa pagbabasa ng kaniyang sakdal sa korte ng New York.
Isinalarawan pa nito na “tragic day para sa mga Republka”.
Itinuturing niyang huling email na niya ito bago ang kaniyang pag-aresto.
Pinakiusapan niya ang publiko na magtulong-tulong para iligtas ang Amerika.
Pinuna din nito ang judge na magbabasa ng kaniyang sakdal na “highly partisan” at ang pamilya aniya nito ay kilalang “Trump haters”.
Magugunitang nakatakdang humarap sa korte si Trump dahil sa pagbabayad niya sa isang adult actress na si Stormy Daniels para manahimik noong 2016 elections.