-- Advertisements --

Binalaan ni US President Donald Trump na hindi magdadalawang isip na makialam sila kapag may pinaslang ang mga otoridad ng Iran sa mga nagsasagawa ng mapayapang kilos protesta.

Ayon sa US President na nakahanda sila anumang oras.

Hindi naman nagustuhan ito ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei , kung saan pinag-iingat si Trump na magkakaroon ng kaguluhan sa buong Middle East kapag nakialam ang US.

Aabot na sa walong katao ang nasawi sa halos isang linggo ng malawakang kilos protesta.

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayanng Iran dahil umano sa lumalalang ekonomiya ng kanilang bansa kabilang na ang pagbaba ng halaga ng Iran rial laban sa US Dollar.

Magugunitang noong Hunyo ay nagsagawa ang US ng airstrike sa nuclear sites ng Iran na ito ay base sa direktang kautusan ni Trump.

Bilang ganti ay inatake naman ng Iran ang mga base militar ng US na matatagpuan sa Qatar.