-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Wisnconsin si US President Donald Trump.

Ito ay para tignan kung gaano katindi ang nangyaring damyos sa mga naganap na kilos protesta dahil sa pamamaril ng kapulisan sa African-American na si Jacob Blake.

Ayon sa White House, isasagawa ang pagbisita nito sa Kenosha, Wisconsin sa Miyerkules araw sa Pilipinas.

Kakausapin aniya nito ang mga lokal na kapulisan doon at maging ang pamilya ni Blake ay nakatakda rin nitong kausapin.

Magugunitang sumiklab ang kilos protesta matapos ang naganap na pamamaril kay Blake.

Dahil sa pangyayari ay nasa malubhang kalagayan pa rin ang nasabing biktima.