Inanunsyo ni US President Donald Trump na aalisin na nito ang matagal nang ipinataw na sanctions sa Syria, kasabay ng $600 billion investment at $142 billion arms deal mula sa Saudi Arabia.
Ang naturang pahayag ay matapos daluhan ni Trump ang isang investment forum sa Riyadh, alinsunod narin umano sa kahilingan ni Crown Prince Mohammed bin Salman.
Tinawag niya itong panahon na para umusad ang Syria, matapos ang pagkakatalsik kay Bashar al-Assad noong Disyembre, 2024 ng rebeldeng si President Ahmed al-Sharaa, na nagtapos sa mahigit isang dekadang kaguluhan.
Posibleng makipagkita si Trump kay Sharaa sa Saudi Arabia ngayong Miyerkules (local time).
Kasama sa mga nilagdaang kasunduan ang mga proyekto sa energy, defense, mining, at iba pa. Maaaring lumaki pa ito sa $1 trillion, ayon sa Crown Prince ng Saudi.
Hindi naman binanggit ni Trump ang kontrobersyal na pagpatay kay journalist Jamal Khashoggi noong 2018, ngunit tinawag niya si bin Salman na isang “incredible man.”
Kabilang sa mga dumalo sa forum sina Elon Musk, Sam Altman (OpenAI), Larry Fink (BlackRock) at Stephen Schwarzman (Blackstone). Ipinakita rin kay Trump ang mga modelong proyekto sa ilalim ng Vision 2030, tulad ng NEOM, —isang planong lungsod na kasinglaki ng Belgium.
Samantala nakatakda namang bumisita ni Trump sa Qatar at United Arab Emirates sa mga susunod na araw.