-- Advertisements --

Nagpositibo sa ilegal na droga ang truck driver na sangkot sa malagim na aksidente sa Batasan-San Mateo Road nitong Mayo 28, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Tatlo ang nasawi at pito ang nasugatan nang araruhin ng nasabing truck ang ilang sasakyan sa lugar. Ayon sa resulta ng drug test, positibo ang driver, na kilala bilang alias Eruel, sa methamphetamine hydrochloride o “shabu.”

Bagamat positibo sa droga ang driver, wala namang narekober na ilegal na droga o gamit sa loob ng truck matapos itong inspeksyunin.

Samantala kasalukuyan pang inihahanda ang kaso laban sa driver para sa paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act.