-- Advertisements --

Pinagbabayad ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ng P600,000 si dating Sen. Antonio Trillanmes IV, matapos ang guilty verdict para sa kasong libelo na inihain ni dating Makati Mayor Junjun Binay.

Ang P100,000 ay para sa multa, habang kalahating milyon naman para sa moral damages at cost of suit.

Ayon sa hatol ni Judge Andres Soriano, may sapat na batayan ang reklamo ni Binay dahil sa mapanirang pahayag ukol sa umano’y “justice for sale” o panunuhol sa mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) na hindi napatunayan.

Para naman kay Trillanes, hindi pa rito nagtatapos ang laban dahil iaapela niya ang kaso at hahanapan ng lahat ng legal options.

“That is the price to pay for standing up against very powerful people. We intend to exhaust all legal remedies to overturn this ruling. Regardless, we will not let this legal setback discourage us in pursuing our advocacy to purge our government of corrupt and abusive public officials,” wika ni Trillanes.