-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nakatuon sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) partikular ang China sa gaganaping trilateral meeting nina Pang. Ferdinand Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishidad sa Washington DC sa susunod na linggo mula April 11 hanggang April 12,2024.

Ayon kay Foreign Affairs Acting Undersecretary Hans Mohaimin Siriban walang patutungkulan na bansa ang nasabing trilateral summit.

Aniya nakatutok ang kauna-unahang Trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, America at Japan sa economic cooperation partikular sa economic resilience ng Pilipinas sa strategic at critical infrastructure.

Tatalakayin din ang mga hakbang laban sa climate change at ang pagsusulong sa paggamit ng clean energy at palalawakin ang kooperasyon sa mahahalagang industriya tulad ng critical minerals at semi-conductors.

Sinabi ni Siriban na posibleng pag-usapan ng tatlong lider ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) kaugnay sa agresibong aksiyon ng China Coast Guard Laban sa mga barko ng Pilipinas.

Gayunpaman, inihayag ni Siriban na posibleng pag-usapan pa rin ang isyu sa seguridad lalo na ang agresibong aksiyon ng China Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas.