-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Dinakip ang isang tricycle driver matapos na masamsaman ng illegal na droga droga at drug paraphernalia sa Brgy. Compania, Tumauini, Isabela.

Sa bisa ng Search Warrant ay hinalughog ng mga kasapi ng Tumauini Police station ang bahay na tinitirahan ng suspek si Adonis Bacani, 20 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Sa kasagsagan ng paghahalughog ay nakuha mula sa bahay nito ang isang tinuping papel na naglalaman ng hinihinalang marijuana at ilang drug paraphernalia tulad ng lighter, mga empty plastic sachet at aluminum foil.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o (comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) laban sa kanya.