Nakatakda nang i-turnover ngayong araw ng Bureau of Immigration (BI) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP ang hawak nilang dokumento laban sa dalawang Indonesian na sinasabing sangkot sa dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Jolo, Sulu.
Una rito, sinabi ni Department of Justice (DoJ) Usec. Markk Perete na hawak na ng BI ang travel records ng dalawang Indonesian national na sinasabing sangkot sa pagsabog na ikinamatay ng 15 katao.
Sinabi Perete na kumpleto na travel at derogatory check ng BI laban sa mga dayuhan.
Ang dalawang suspek ay sina Andi Baso, lalaki, 17 hanggang 25 -anyos; Reski Fantasya alyas Cici, Indonesian, 17 hanggang 22-anyos na sinasabing asawa ni Andi Baso.
Naglaan na ngayon ng P3 million na pabuya ang Zamboangan City government para sa mga makakapagturo sa kinaroroonan ng mga suspek na sinasabing Sulu-bases Abu Sayyaf Group (ASG) members.
Kasama rin sa mga nahuli si Mundi Sawajaan, Pilipino na pamangkin ni Hatib Hajan Sawajaan.
Si Hatib Hajan Sawadjaan ay Filipino militant na affiliated sa Abu Sayyaf at naging leader ng grupo na sumanib din sa Islamic State of Iraq and the Levant mula noong namatay si Isnilon Hapilon noong 2017.
Ang tatlo raw ay pinakilos para magsagawa ng terorismo sa Zamboanga Peninzula.
Pinayuhan din ang publiko na maging mapagmatyag at agad isumbong sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang mga indibidwal sa kanilang komunidad.