-- Advertisements --

Sisimulan na ng House Committee on Transportation ang motu proprio investigation kaugnay sa umano’y anomalya sa jeepney modernization program ngayong linggo.

Ito ang tugon ng komite sa panawagan ni Speaker Martin Romualdez na imbestigahan ang umano’y kontrobersiya sa likod ng implementasyon ng public utility vehicle (PUV) or jeepney modernization program na inisyatiba ng dating administrasyon.

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman at Antipolo Representative Romeo Acop na hinihiling na nito sa mga panel members ang approval para i-proceed ang motu propio investigation.

Nakatanggap kasi ng ulat ang office of the speaker na may nangyayaring korupsiyo at iregularidad sa nasabing programa.

” We cannot allow corruption to take root of the implementation of the modernization program. If we are to proceed with the modernization of our PUV’s, we must make sure there is not even a whiff of irregularity,” pahayag ni Rep. Acop.

Binigyang-diin din ni Acop na kahit walang house resolution o privelege speech na nananawagan ng imbestigasyon ay gagawin pa rin nila ang pagsisiyasat sa ilalim ng Section 2 ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in aid of Lagislation.

Batay sa naging ulat ni Speaker Martin Romualdez na may mga transport officials ang sangkot sa anomalya partikular sa negosasyon sa importation ng modern jeepney units kapalit ng mga lumang jeepney.

Nilinaw naman ni Acop na ang jeepney modernization program ay hindi lamang pag upgrade sa mga sasakyan kundi isa itong komprehensibong plano para baguhin ang urban transportation landscape gawin itong mas ligtas para sa mga mananakay.