
Kumikilos na ngayon ang mga tracker teams ng PNP para alamin ang kinaroroonan ng umano’y drug lord na si Johson Lee.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac ipinauubaya na nila sa intelligence group sa pangunguna ng PNP Drug Enforcement Group ang paghahanap kay Lee pero wala silang balak na bumuo ng task force sa ilalim ng national headquarters para lamang dito.
Giit ni Banac, interesado ang PNP sa kinaroroonan ngayon ng bigtime drug lord na si Lee.
Sa kabilang dako, ongoing na rin ang manhunt operations ng PNP sa 19 na convicts na pinakawalan dahil sa GCTA.
“Well tama yun. Nabanggit na nga yan sa ongoing na investigation sa senado. Interesado rin tayo malaman nasaan ang kinaroonan ni Mr Johnson Lee na palaging nababanggit sa proceedings at inaasahan natin ang ating anti-drug unit ang pdeg ang mangunguna upang makuha natin ang mga impormasyon. Ganon din ang intelligence units at ang pamunuan ng Region 3 ay magtutulnga lahat ng mga ito upang matukoy natin kung nasaan ba at kinaroonan ni Johnson Lee,” wika ni Gen. Banac.
















