Bahala na raw ang Department of Justice (DoJ) sa magiging kapalaran ng Port Operation Division (POD) Chief ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng total revamp sa kanilang mga tauhan sa
terminals 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sakop kasi ng balasahan ang lahat ng personnel na nakatalaga sa NAIA terminals mula sa Port Operations Division (POD) deputies, Terminal Heads hanggang sa counter personnel.
Ngayon araw nais ni Commissioner Jaime Morente na agad ipatupad ang balasahan sa BI.
Mas pinahigpit ngayon ang pagpapatupad ng balasahan dahil na rin sa mga hindi otorisadong aktibidad at iregularidad sa mga personnel ng BI lalo na ang nabunyag na “pastillas modus.”
Kamakailan lang ay nabalot sa kontrobersiya ang BI dahil sa naturang modus sa NAIA na kinasasangkutan ng mga Immigration personnel na nagbibigay umano ng VIP treatment sa mga Chinese nationals gaya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers kapalit ng P10,000 na nakabalot na parang pastillas.
Sinabi ni Morente na ang rigodon ay ay bahagi ng reporma at transformation efforts ng BI.