Magaganap na ang total lunar eclipse o blood “Beaver” moon at ang Pilipinas ay isa sa pinalad na masisilayan ito dahil bukod sa iba pang mga lugar visible din ang total lunar eclipse sa bansa.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Philippine Astronomical society committee head si Khristian Dimacali, hindi raw good news kung biglang sumama ang lagay ng panahon mamaya o kaya magkaroon ng makapal na kaulapan.
Kapag nangyari raw kasi ito ay hindi makikita ang lunar eclipse kahit na may telescope o binoculars.
Binigyang diin din ni Dimacali ang paniniwala noon pa lalo na ng mga matatanda na wala itong katotohanan at walang kinalaman ang eclipse.
“The eclipse will begin at 05:19 PM (moonrise), with the totality of the eclipse beginning at 06:16 PM. Greatest eclipse (maximum) or the peak stage of the eclipse at 06:59 PM. The Moon will remain in totality until 07:42 PM. It will then go into a partial eclipse until 08:49 PM and comes to an end at 09:58 PM,” bahagi ng advisory ng weather bureau ng Pilipinas na Pagasa.
Samantala, ang isa pang astronomical phenomenon na inaasahan rin naman ay ang Leonid Meteor shower na mangyayari ngayong buwan na sinasabing mag po-produce ng 15 to 20 meteors per hour.
Ang meteor shower na kinuha sa Leo constellation ay hango sa naman sa salitang Leon.