GENERAL SANTOS CITY – Magpapatupad na ng total lock down ang lungsod ng General Santos City simula sa Lunes para higpitan ang pagbabantay sa mga mamamayan laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod ito ng pagpapalabas ng Executive Order number 24 si GenSan Mayor Ronnel Rivera matapos pinatawag ang Inter Agency Task Force.
Ayon kay Mayor Rivera, maglalagay ng mga control points na babantayan ng pulisya sa bawat boundary matapos hahatiin ang 26 barangay sa 12 clusters.
Nilinaw nito na ang ipatutppad na enhance community quarantine para pagbawalan ang mga residente na mag-cross sa ibang cluster para hindi ito matamaan ng coronavirus.
Hindi naman ipinagbabawal ang mga essential workers na pupunta sa kanilang trabaho pati na ang pagpunta sa doktor at clinical emergency.
Epektibo din sa nasabing araw ang number coding ng mga sasakyan at mandatory na din ang pagsuot ng face mask.
Magtatagal ang total lock down sa loob lamang ng 10 araw.