BAGUIO CITY – Naging emosyonal ang Top 1 ng MABALASIK (Mandirigma ng Bayan Lakas at Sarili Iaalay para sa Kapayapaan) Class 2019 na si Cadete 1st Class Dionne Mae Apolog Umalla sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Sa valedictory address ni Cadete 1st Class Apolog, 21-anyos ng Alilem, Ilocos Sur, nagpasalamat siya suporta ng kanyang ina at mga kapwa kadete.

Nagpasalamat din siya sa presensya nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo gayundin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., mga commanders ng major services ng AFP, Defense Sec. Delfin Lorenzana, at iba pa.

Duterte and Leni PMA
screen grab

Ibinahagi ni Apolog na mula pa noong elementarya ay gusto niyang maging isang doktor o guro pero lahat ito ay hindi natupad.

Sinabi niya na sinunod niya ang nais ng kanyang ina na isang retired teacher, at hanggang dalawang taon lang si Apolog sa kursong medical technology.

Pinilit lang daw siya ng kanyang ina na pumasok sa PMA at wala siyang nagawa kundi sundin ito dahil na rin sa hirap ng buhay.

Aniya, ito ay para sa kanyang pamilya at mga kapatid kaya minahal na rin ang pananatili sa PMA.

Dagdag niya na sa apat na taon niya sa akademya, napagdaanan niya ang hindi kumain, mahigpit na training, at iba pa.

Gayunman, inisip niya na hindi lang siya nag-iisa sa pagsubok na kanyang inilapit sa Diyos.