Nagpulong ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa national headquarters sa Camp Crame.
Ito’y para talakayin ang mga paghahanda sa nalalapit na national at local elections sa darating na Mayo.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, magsasagawa sila ng national assessment at dadaluhan ito ng lahat ng regional police directors sa buong bansa.
Dito ay aalamin ang sitwasyon ng seguridad sa bansa at kung dapat na bang dagdagan ang mga “election hot spots.”
Nitong December 2021 kasi ay mahigit 500 ang areas of concern na natukoy nila.
Paliwanag ng PNP chief, patuloy ang paglalatag nila ng seguridad sa 2022 elections para matiyak na magiging mapayapa ito.
Samantala, nagpapatuloy din ang background checking na ginagawa ng PNP sa mga politiko.