CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng pulisya nang paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) ang top 3 suspected drug personality ng provincial level kasama ang dalawang empleyado ng Philhealth at local court na kanilang nahuli sa isinagawa na anti-drug buy bust operation sa loob ng restaurant ng isang unibersidad sa Barangay Rapasun,Maawi City,Lanao del Sur.
Kinilala ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Derilo ang mga nadakip na sina Sowair Mindalano Lantong alyas Asraf Muloc Gani,36 anyos, binata, walang trabaho; Patty Benito Paloman, 49 anyos,may asawa,junior process server at Mahid Macabato Omar,35 anyos,hiwalay sa asawa,sekyu ng Philhealth na lahat residente sa Marawi City.
Inihayag ni Derilo na nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang plastic bags na mayroong laman na estimated 350 grams ng suspected shabu na tinatayang nasa P2.3 milyong.
Nabawi rin ng PNP ang lima pang sachets nang pinaghinalaang shabu may mayroong halaga na halos P17,000.00;kalibre 45 na baril at iba pang mga ebedensiya.