Namayani pa rin ang two-time defending NBA champion na Golden State Warriors kontra sa Denver Nuggets sa labanan ng Top 2 teams sa  Western Conference.

Inilampaso lamang ng Warriors (45-20) ang Nuggets (43-22) sa score na 122-105.

Bumawi rin ang team sa naranasang worst loss ngayong season sa kamay ng Celtics.

Pero ngayon bumida ang nagbabalik na si Klay Thompson mula sa dalawang games na hindi nakapaglaro nang magtala ng 39 points at nine 3-pointers.

Tumulong naman si Kevin Durant sa 26 points at six assists, habang si Stephen Curry ay nagpakita ng 17 points at si DeMarcus Cousins ay nagtapos 13 points, six rebounds, six assists, six blocked shots.

Ang next game ng Nuggets ay laban sa host na Timberwolves sa Lunes.

Ang Warriors naman ay haharapin ang Suns.