-- Advertisements --
Ibinahagi ng actor na si Tony Labrusca sa kaniyang fans ang pinagdaanan niya matapos na dapuan ng COVID-19.
Sinabi nito na kasama siya sa ilang mga staff at bida sa lock-in taping ng kaniyang show na dinapuan ng virus.
Nagtulong-tulong aniya sila para sabay-sabay na gumaling.
Nakaranas umano ito ng pananakit ng katawan, trangkaso at ubo subalit matapos ang 12 araw na quarantine ay nagnegatibo na ito.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga kaanak at mga kaibigan dahil sa sinunod niya ang mga payo nila para mabilis itong gumaling.
Magugunitang bukod sa actor ay dinapuan rin ng COVID-19 sina Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Heaven Peralejo, Barbie Imperial at Keempee de Leon.