CAUAYAN CITY- Wala nang buhay nang matagpuan ang isang tomboy na nagbigti sa harapan ng kanilang tahanan sa brgy. Taggapan, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Master Sgt. Ferdinand Marquez, Chief Investigator ng Echague Police Station na ang biktima ay si Marie Joy Mangadap, 22 anyos, residente ng Barangay Taggapan, Echague, Isabela .

Ayon kay Pol. Master Sgt. Marquez, nakaayos na ang bangkay ng biktima ng kanilang datnan sa kanilang tahanan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na bago nagpakamatay ang biktima ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanyang kasintahan.