-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng Japan ang kanilang Olympic torch relay sa Tokyo ang kanlang capital city.

Ang nasabing desisyon ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Simula sa biyernes lahat aniya ng mga public relay events sa lungsod ay papalitan na lamang ng flame-lightning ceremonies na mapapanood online.

Tanging ang torch relay na gaganapin sa Ogasawara island sa southern Tokyo ang matutuloy.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na kinansela nila ang torch relay dahil nakansela na rin ang torch relay na ginanap sa Kyoto at Hiroshima.

Magugunitang magsisimula ang Tokyo Olympics sa darating na Hulyo 23.