-- Advertisements --
Tokyo Olympics 2
Olympic flag

Aminado ang organizer ng Tokyo Olympics na malaki ang posibilidad na hindi pa rin matutuloy ang laro sa 2021.

Ito ay kapag hindi pa rin humuhupa ang corona virus pandemic sa buong mundo.

Sinabi ni Tokyo organizing committee CEO Toshiro Muto, na imposibleng mahulaan na matatapos na ang krisis dulot ng nasabing coronavirus pandemic pagdating ng July 2021.

Umaasa naman sila na matatapos na ang coronavirus para matuloy na ang nasabing torneo.

Mahalaga sa ngayon na makagawa ang mga eksperto ng bakuna o gamot para sa nasabing virus.

Magugunitang kinansela ang nasabing torneo na gaganapin sana sa darating na Hulyo 2020 dahi lsa coronavirus pandemic.