Iba’t-ibang mga hakbang ngayon ang ginagawa ng organizers ng Tokyo Olympics para malabanan ang COVID-19.

Ayon kay Tsuyohsi Iwashita ang executive director ng Tokyo Olympics security bureau, na halos linggo-linggo ay nagsasagawa sila ng pagsasanay kasama ang International Olympic Committees.

Ilan sa mga posibleng gawin ay ang paglalagay ng sticker sa kamay na dito makikita ang temperatura ng katawan.

Aminado sila na mahirap ang hamon na kanilang hinaharap ngayong panahon ng pandemic.

Umaasa naman sila na magkakaroon na ng bakuna para sa coronavirus bago pa man ang pagsisimula ng torneo sa Hulyo 23, 2021.