-- Advertisements --

Tinalo ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine 95-92 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Governors’ Cup.

Ito ang unang panalo ng koponan kasama ang kanilang bagong import na si Aaron Fuller sa laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Hinabol ng TNT ang 15 points na kalamangan ng Rain or Shine kung saan nagtala ng 13 points at 10 rebounds si Fuller.

Bumida sa panalo ng TNT si Mikey Williams na nagtala ng 25 points.
Mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo ngayon ang Rain or Shine.