-- Advertisements --

Idinemanda ng video sharing application na Tiktok ang administrasyon ni United States President Donald Trump dahil sa utos nitong pagbabawal ng naturang application sa bansa.

Nagsampa ngayong araw ng kaso sa California federal court ang ByteDance, China-based owner ng nasabing application, kasama ang ilan nitong US subsidiary.

Ayon sa mga ito, malinaw umano na nilalabag ng nasabing utos ang due process ng proteksyon na nakasaad sa Konstitusyon ng Amerika. Hindi raw sila nabigyan ng pagkakataon upang magpaliwanag.

Maaalala na ilang beses pinagbintangan ni Trump ang Tiktok dahil sa umano’y banta na dulot nito sa seguridad ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng mga nagrereklamo na hindi nila palalampasin ang ginawang ito ni Trump ngunit kailangan pa rin daw nilang siguraduhin na protektado ang kanilang karapatan. Naniniwala rin ang mga ito na may halong pulitika ang desisyon ng pangulo.

Ipinagbawal din ni Trump ang kahit anong transaksyon ng mga American businesses at indibiwal sa ByteDance simula sa susunod na buwan.

Nilagdaan na rin ng Republican president ang executive order na nag-uutos sa ByteDance na ibenta ang kanilang operasyon sa U.S. Microsoft.