Itinuturing ng National Football League (NFL) na ang Super Bowl finals sa pagitan ng Kansas City Chiefs at San Francisco 49ers ay siyang may pinakamahal na tickets.
Ayon sa TickPick na ang pinakamahal na presyo ng ticket ay nagkakahalaga ng $9,800 o 70% na mas mahal kumpara noong nakaraang taon.
Ang kasalukuyang “get-in” price na ticket ngayong taon ay nagkakahalaga ng $8,188 na 50% na mas mura kumpara sa pinakamura noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng $5,997.
Ito na kasi ang pang-apat na pagkakataon sa loob ng limang taon na nakapasok sa finals ang defending champion na Chiefs.
Huling nakaharap nila ang 49ers noong 2020 ng talunin sila ng Chiefs.
Noong 2020 game ay itinuring na pinakamahal na Super Bowl na ang average na ticke price noon ay may $6,370.
Gaganapin ang Super Bowl 58 sa Pebrero 11 sa Las Vegas.