Nagpaabot ngayon ng kanyang pakikiramay si Armed Forces of the Philippines chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay sa pamilya ng 15 mga nasawi sa nangyaring Jolo bombing nitong nakalipas na Agosto 24.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot din ng heneral ang kanyang panalangin sa 74 na nasugatan sa naturang pag-atake na kagagawan umano ng Abu Sayyaf group (ASG).
Ayon sa chief of staff, bago ang pagsabog target na ng combat operation at intelligence gathering ang mga bandido.
Samantala umapela rin si Gen. Gapay sa lahat ng mamamayan na isama sa kanilang panalangin ang mga biktima ng panibagong karahasan.
“Terrorism remains a threat to any democracy. We appeal to all freedom-loving Filipinos to join hands with your Armed Forces of the Philippines as we strengthen our efforts to secure our borders and provide a safe environment for Filipinos,” ani Gapay sa statement. “National security is a shared responsibility that requires trust, respect, and cooperation from the citizenry. Everyone should be aware of their surroundings and report all suspicious persons, doubtful activities, and left behind personal belongings while remaining vigilant at all times.”