-- Advertisements --

Mas tumindi pa ang tensiyon sa pagitan ng Palestinian at Israel.

Kasunod ito ng pagpapakawala ng rockets ng mga Palestinian militants ng Gaza patungong Israel.

Pumalo na sa 28 katao ang nasawi at mahigit 150 na ang nasugat.

Walang tigil naman ang pagtunog ng sirina sa bayan ng Ashkelon sa Israel na hudyat ng rocket attack.

Mula pa noong Lunes ay halos 500 rockets na ang pinakawalan ng Hamas at Islamic Jihad sa Gaza laban sa Israel.

Ganti aniya nila ito sa hakbang ng mga kapulisan ng Israel sa loob ng Aqsa mosque sa Jerusalem kung saan sugatan ang ilang daang Palestinian.