-- Advertisements --

Planong pagharapin ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo “Ping” Lacson sina dating Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Representative at pugante na si Zaldy Co, at ang 18 indibidwal na nagpakilalang dating mga sundalo, sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects. 

Ayon kay Lacson, patuloy umanong iimbitahan ng komite si Romualdez hangga’t may mga impormasyong nauugnay sakanya at kinakailangan ang kanyang partisipasyon. 

Dagdag pa niya, mahalagang sabay-sabay na magharap sina Romualdez, Co at ang 18 dating sundalo maging si Orly Guteza sa pagdinig sa senado upang mapagtagpi-tagpi ang mga salaysay ng mga ito at matukoy kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.

Matatandaan na si Co ang itinuturong may malaking partisipasyon sa katiwalian na dumadawit naman kay Romualdez na siya umanong mastermind ng mga anomalya sa proyektong flood control ng pamahalaan, bagay na nagkokonekta sa mga salaysay ng 18 dating sundalo na umano’y ang deliver ng male-maletang pera sa bahay ni Romualdez sa utos ni Co. 

Samantala, sinabi naman ni Lacson na inihahanda na niya ang isang Chairmans Progress Report hinggil sa flood control scandal para magbigay-daan sa muling pagdinig ng komite at makatulong sa pagbuo ng mga kaso sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman laban sa mga sangkot. 

Aniya, ilalahad sa progress report ang mga natuklasan sa partial committee report, kalakip ang mga ebidensyang nakalap sa pagdinig bilang attachments para magbigay-daan na makatulong sa ginagawang imbestigasyon ng mga ahensya. 

Habang, sinabi naman ng senador na bukaks parin siya posibilidad na may pipirma pang mga kapwa senador sa partial commmittee reporet upang tuluyan na itong matalakay sa plenaryo kung saan maari aniya itong talakayin, amyendahan, at pagtibayin. 

Sa huli, binigyang-diin ni Lacson na susundan ng Blue Ribbon panel ang ebidensya kahit pa na humantong man ito kahit sa Pangulo. Ngunit gayunman, nilinaw ng senador na sa ngayon wala pang halaga ang mga salaysay ni Co laban sa Presidente sa umano’y kickback sa mga proyekto dahil hindi ito ginawa sa ilalim ng panunumpa.